Linggo, Agosto 4, 2013

Paalam na hatid ng itim na paru-paro


                                                                                     Likas sa ating mga pilipino ang mapapaniwala sa mga  nagaganap na kakaiba sa paligid gaya ng pamahiin. Ang pamahiin ay isang paniniwalang hindi nakabatay sa padarahilan,kaalaman o agham.Buhat pa noong una ay likas na sa ating mga ninuno ang naniniwala sa mga bagay na kathang isip lamang ngunit kung minsan ang mga ito'y nagkakatotoo.Para sa ating mga ninuno ang pamahiin ay masasabing sagrado at may katunayan. Naniniwala din ang ating mga ninuno na sa kapaligiran ito kalimitan nauukol at kung paano namumuhay ang isang tao. Ang isa sa pinaka alam nating pamahiin ay ang paniniwalang pag may itim na paru-parong dumapo sa inyong bahay ay nangangahulugang may masasawing mahal mo sa buhay. pinaniniwalaan na ang itim na paru-paro ay sumisimbolo sa kaluluwa ng mahal mo sa buhay na ang layunin ay magpaalam sa mahal niya sa buhay.Ang mga pamahiin ay nag saling dila na lamang at kumalat wala mang siyentipikong eksplenasyon dito ay pinaniwalaan na din ng nakararami.Ngayo'y isang malaking hiwaga pa din sa ating mga pilipino ang pangyayaring ito dahil kung minsan ay nangyari na rin ito sa bawat isa sa atin na nagresulta na maniwala tayo.kung minsan pa nga ay may sitwasyong nadadala tayo ng mga pangyayaring nagaganap na sa pamahiin ay nauugnay ang kalunasan.

    Para sa akin nama'y walang masamang maniwala din dahil wala namang mawawala kung susunod din tayo o kaya ay mas susundin mo kung anong gusto mo, pero mas maganda nang sumakay na lang at makisama upang mas mapanatiling handa din tayo.ngayon sa modernong panahon ay marami pa rin sa ating mga pilipino ang naniniwala  at patuloy na ipinamamana pa sa kanilang mga apo at sa mga paniniwala nilang ito ay mas nagagabayan pa nilang mabuti ang kanilang mga anak at apo dahil sa mga payong hatid nito,mga babalang naghahatid sa atin ng isang malaking kwestiyon at swestiyon